at eto na naman ako, paumanhin kahit nasa harap ako ng kompyuter halos 12 oras kada araw ay hindi ko pa rin matupad tupad na maglaan ng oras para magsulat sa blog, marahil wala lang talaga sigurong kasulat sulat at dahil stressed out ako lately hahaha.

kanina bumili ako ng bagong gitara, libre ko sa sarili ko dahil maaga kong natapos yung  goal ko this month, kaya yun meron na akong instant dalawang guitar isang akustik tsaka classic wahahaha, pangarap ko to dahil dati ko pang gustong bumili nang nylon yung thread hehehehe salamat dun sa nagtuturo sakin dahil nainspire talaga lately.

bumili din pala ako ng libro ni fannie flagg na standing in the rainbow, ewan pangatlong bili ko na ng title na to dahil yung naunang dalawa ay binigay ko at mukhang di ko na naman matatapos hay gudlak na lang talaga dahil ang huling librong nabasa ko pa ay yung house of spirits ni Isabel Allende at last month pa yun. kelangan ko na talaga ipressure ulit yung sarili ko sa pagbabasa.

at wag ka 5 episodes na lang at matatapos ko na yung Jang geum wahahaha, mahal ko na rin si Jang geum, na minsan ay nakakairita dahil hindi sya marunong lumaban pero wag ka maraming plano ang lola mo- narealize ko lang din na mejo masama akong tao hahaha dahil nung namatay na yung kontrabida pumalakpak talaga ako tsaka gusto ko magcelebrate hahaha. lintek lang talaga madam choi kala mo lintek lang ang walang ganti! at naubos ko lang naman sa bawat episode ay 45 minutes at ito ay may 70 episodes wahahaha, maraming salamat sa suki kong nagbebenta sa st. fancis ng dvd na laging nagbibigay ng discount. no regrets naman sa mahabang oras na nagugol dahil nainspire rin naman ako sa palabas wahahaha. Jang geum kaya mo yan!

At isa pang wag ka,  ayun sa google si Jang geum ay 40 years old na sa totoong buhay!

sana marami tayong ma-accomplish this week.

sana maging healthy tayong lahat at mawala na  yang swine flu na yan.

P.S.

may napulot akong 500 pesos kanina tapos binigay ko sa guard tapos feeling ko, feeling ko lang naman meron syang personal na motibo sa 500 pesos o tanga lang talaga ako dahil sinoli ko pa yung napulot ko hahaha? aynaku.

gudnayt!

maulan

June 16, 2009

umuulan kanina.

umuulan pa rin ngayon.

naisip ko lang kanina, na pwede yung emosyon ng tao ay maging directly proportional sa panahon- kawirduhan ko na naman. pero kasi pag maulan madalas nagcocontemplate yung tao at nagiging malungkot, pero ewan baka tuwing umuulan lang din aplikabol yung mga ganitong tagpo.

napaisip tuloy ako. kahapon nakausap ko si kaloy, sabi ko nanalo ka na ng palanca bakit wala ka man lang blog online- sabi nya personal na desisyon nya raw yun, kaya naisip ko na huwag na lang din magblog wahahaha manggaya daw ba. ewan ko ba pero marami akong kakilalang manunulat na mas maraming napanalunang literary works na nagpopost din naman online at mukhang masaya naman sila. kanya kanya lang talaga siguro yan.

basta ako, eto tagahanga pa rin ng mga pinakamagagaling na manunulat sa mundo.

magandang araw!

ngayon

June 13, 2009

at eto na naman ako.

paumanhin kung hindi ako nakapagsulat kahapon, inantok nako nang sobra at di sinadyang makatulog at ngayon lang magising. hahaha sobra sobrang hibernation na itong ginagawa ko lately mga 12-14 hours straight na tulog tapos pag gising ko feeling ko kulang pa rin. wahahaha.

at gaya ng mga dati at lumipas na linggo bumili ako ulit ako ng dyaryo, madalas kasi na summary ng linggo yung sunday edition at madalas kasi na hindi ko na rin naaabutan yung mga balita sa tv at madalas patungkol lang sa hayden kho yung nababalita. hahaha ang daming madalas.

overall napaka stagnant ng linggong to maliban sa pakonti-konting mga tinatapos na projects,  bahay-opisina lang ang byahe ko araw araw. syempre the usual pa rin yung kapag nagugutom ako kumakain ako ng marami. try nyo pala yung the recipe sa shangrila di naman sya kamahalan pero sulit sobra. maayos din magstarbaks dun  di masyado ganoon karami yung tao kumpara sa megamol.

sa ngayon naglinis lang ako ng buong bahay. magpapalaba. magbabasa. manunuod ng dvd. kakain. matutulog.

(may mga gusto akong simulang  mga kwento pero wala pang resolution matatapos ko rin yun, tapos share ko dito. )

magandang araw!

kamusta

June 11, 2009

kamusta. 

siguro masarap simulan sa kamusta ang lahat.

matagal tagal na rin nung huli akong magsulat sa blog na to, ewan ko ba lately mukhang na-adik ako sa sobrang kakapanood ng dvd at kakahugas ng pinggan. terapyutik daw yun pero ewan ko rin kung bakit parang naging dormant naman yung mga nangyari bisayds sa natapos ko lahat yung listahan ng 100 movies na gusto kong mapanuod ay wala pa ring nangyari, weird noh? o weird dahil may ineexpect akong mangyari pag napanuod ko na lahat ng mga palabas? hahahaha.

 

kaya naman naisip kong magsulat ulit, nangako ako kahapon na maglaan ng isang oras kada araw para magsulat-siguro mas terapyutik to kesa sa panunuod ng dvd, liban dito nag-enroll din ako ng guitar lesson sa megamol, ayan tingnan ko lang kung hindi maubos yung oras ko hahahaha.

 

 

mas maganda siguro kung magkaroon ako ng tema sa mga isusulat ko araw-araw o yung mga kwento sa pagitan ng mga oras sa madaling araw at gabi.

 

so simulan natin ngayon:

 

kanina nakita ko si kuya kim may program ata sila sa eastwood dahil independence day celebration, nakabarong pa naman sya at kung nagkataong kasama ko si lani o mae baka nagpautograph na rin ako at nagpapiktyur wahahahaha.

 

at yun nga tumuloy nako ng megamol dahil maaga pa at 10:30 pa yung klase ko naglibotlibot muna ako-nagutom ako at nakita yung tindahan ng imported na tinapay, coffee flavored at from singapore daw ang recipe. mukhang masarap kaya kahit tig singkwenta ang isa bumili ako ng apat, sakto lang para pangmeryenda na rin mamaya. ininit pa ng nagbabantay 1 minute para masarap daw, tinanong ko ang life span (hahaha parang hayop lang,  shelf life ba dapat tawag pag pagkain?)  pwede daw umabot ng apat na araw kahit hindi iref- (malamang diba kasi pag niref mo yung tinapay magiging semento yun? ewan pero alam ko hindi nireref ang loaf bread.) so ayan medyo matagal pa rin yung oras so kinuha ko na yung isa tsaka tinikman- literal na kape nga yung nilagay sa tinapay. mapait sya na ewan, weird din ang lasa o tatanga-tanga lang talaga ako sa panlasa hahaha.

 

mabilis na natapos ang araw-marami pa rin akong balak na gawin pero inaantok na talaga ako. yung mga libro na binili ko nakatengga pa rin, tapos kanina sa powerbooks gusto kong bilhin yung libro ni chris martinez yung order sa penguin. next week siguro tatargetin ko yun.

 

inorasan ko kanina na ang pagitan ng megamol at robinson pag nilakad ay 10 minutes lang.

 

 

 

maliban dyan wala namang kasulatsulat na kaganapan ngayong araw.

 

bukas ulit.

 

 

selyo: a pre-valentine story

February 8, 2009

isang sulat.

isang buwan bago dumating ang araw ng mga puso.

isang pusong babadapbadap.

9150 Wilshire Blvd. #350
Beverly Hills, CA 90212
USA

ate tama ba yung pagkakalagay ko ng address sa sobre ha. ate tsek mo naman ulit o. please.  babasahin nya kaya yan. teka ate pahiram nung  avon lipstik mo lalagyan ko ng kiss mark. one more request pahiram din nung victorias secret mo na perfume. konti lang naman e. wiwisikan ko lang. sige na. please.

***

mula noon inantay nya ang reply ng sulat.

wala rin namang nakakaalam kung kanino ito patungo maliban sa kanya.

excited lang talaga sya everyday. kung maaari nga lang at kung hindi mahal ang maligo gagawin nya ito oras oras. nakakapasma raw ang sobrang pagbabad sa tubig. mahal ang sabon. mahal din ang shampoo. putang ina. napatakip sya ng bibig. naku kelan ba nung huli syang nagmura. erase. erase. hindi dapat sya nagmumura. remember you are a better person now bulong nya sa sarili. sinipat nya muli ang kabuuan sa salamin. fresh na fresh pa rin.

kinakabahan lang talaga sya everyday. kung maaari nga lang at kung hindi mahal ang pumunta ng bayan para i-itsek nya sa philippine airlines kung nagpabook na ang pangalan ng  kanyang hinihintay gagawin nya ito araw-araw. nakakatagtag at nakakapagod raw ang madalas na pagsakay ng bus. mahal ang pamasahe. mahal din ang pagkain sa byahe. putang ina. napatakip na naman sya ng bibig. naku kelan ba nung huli syang nagmura. erase. erase. hindi dapat sya nagmumura. remember you are a better person now bulong nya muli sa sarili. sinipat nya muli ang kabuuan sa salamin. mejo fresh na lang.

***

mula noon nag-aabang sya sa may bintana.

ganun naman daw talaga ang nagmamahal.

nasasaktan.

umiiyak.

nababaliw.

nag-aantay.

umaasa.

***

mula noon hinahanap nya sa langit ang falling star.

na hindi nya naman nakita.

o baka nahulog na nung minsan kumakain sya ng mangga.

o baka nga marahil tama ang kaibigan nya na may mga falling star na nahuhulog din sa sa tuwing katanghalian ng araw.

o baka nga marahil may nahulog na falling star sa kabilang panig ng mundo

sa zimbabwe marahil.

ngayon.

walang makapagsasabi.

at dahil sa ganitong turan nag-wish sya o baka dahil sa sobrang compulsive nya kaya madali nyang naconvince ang sarili..

eksaktong petsa. eksaktong araw. eksaktong tao.

***

kanina pa nya naihanda ang mesa. ang dalawang pinggan. ang dalawang pares ng kutsara at tinidor. ang kandila na kanina pa nya sinindihan. ang wine glass. perfect lang ang lahat para sa dalawang tao.

kinakabahan na naman sya multiplied sa lahat ng kaba ng mga nakaraang araw.

darating kaya sya.

nabasa nya kaya ang sulat.

may kumakatok.

maykumakatok.

MAYKUMAKATOK.

agad nyang binuksan ang pinto. hi. how are you. please come in. have a seat. nang gabing yun naubos nya lahat ng inglis na minemorize nya sa mga palabas at libro.

at nang gabi ring yun ay

may nag-usap.

may nagkwentuhan,

may nasarapan sa pagkain.

may nagtawanan

may nagseks.

may nasarapan sa seks.

may napagod

may nawala.

may naiwan isang umaga

isang umaga pagkalipas ng araw ng mga puso.

may iniwang sulat sa naiwan

sabi: thank you, sincerely yours, B.P.

***

kanina pa pinagmamasdan ni lina ang kopya ng cosmopolitan na napulot nya nakaraang buwan. tinitigan nya ulit ang mga address sa special section page nito. napangiti syang muli. pinilas nya ang pangalan at ang espesyal na address na nasa ibaba nito. hinati nya muli sa dalawa upang magkahiwalay ang address sa pangalan. nilagay nya sa bulsa ang kaputol at dumungaw sya sa bintana at mula doon hinipan nya ang kapirasong papel. tinangay ito ng hangin- hanggang sa kusa itong nawalang parang bula.

***

9150 Wilshire Blvd. #350
Beverly Hills, CA 90212
USA

kanina pa hindi mapakali si gloria sa papel na kusang dumikit sa mga palad nya. binasa nya ito. na-curious sya. tinayp nya ang address sa google kung kanino ito. nagulat at napangiti.  at kung anong kilig ang hatid nito sa kanya ng malaman kung sino ito. at ilang minuto pa ay may hawak na syang sobre. hindi pa sya nakuntento nilagyan nya pa ang sulat ng kissmark gamit ang avon lipstik at sa huling sipat winisikan nya ito ng johnson baby cologne.

********************

Fear Factor

January 18, 2009

 

 

marami akong kinakatakutan.

 

natakot ako sa manananggal na minsan daw bumisita sa bahay nung ipinabubuntis ng nanay ko ang bunso namin, nandun lang daw sya sa may bintana nakatambay sabi ng kuya at kung pwede ba raw wag ko ubusin ang ulam dahil hindi pa rin sya nakakakain?

 

natakot ako nang mamatay ang nanay nung ipinanganak nya ang bunso namin, sabi ng kapitbahay kong si reymar, nanay ko raw yung malaking butterfly na nakatambay sa may dingding nung burol at kung pwede raw bang huwag akong laging nakatulala?

 

natatakot ako sa butterfly, ang pulbos raw ng pakpak nito ay nakakabulag.

 

natatakot akong mabulag, at sabi ng tyahin -kung hindi ko raw titigilan ang pagbabasa ng komiks at libro tatanggalin niya raw ang mga mata ko.

 

natakot ako sa tyahin ko sabi niya puro tsismis lang daw ang alam ng nanay nung nabubuhay pa, kaya ayan, ayan kayong magkakapatid mga palamunin- o ayan tingnan nyo yung tatay nyo, asan, asan? andun na naman sa sabungan.

 

natakot akong magutom, may posibilidad kasi na uunahin ng tatay ang pagbili ng grower mash, 7 kinds at Thunderbird kesa uulamin namin.

 

mas lalo akong natakot nang sinabi ng ate na lagyan ko raw ng watusi yung kainan ng sisiw at tandang nang matauhan na ang tatay.

 

natakot kami nang magalit ang tatay.

 

pak. bakit ha. ilang beses ko bang sinabi sa inyo na wag na wag nyong papakialaman ang mga manok ha. pak. pak. ikaw. pak.

 

natatakot ako sa watusi, nagbabaga raw ito kapag nababasa.

 

 

****

 

kaya laking tuwa ko nang sinabi ng tyahin na sa kanila na ako pumisan. excited pa nga ako nung mga unang taon. hanggang sa napagod na lang din ako ng kusa.

o tapos mo na ba yung bawang. yung sibuyas. ay tanga sabi ko unahin mo muna yung sibuyas saka na yang kalabasa.

 

o teka hindi ganyan ang paghiwa. akin na yang kutsilyo. akin na sabi e. halika. halika rito. una hihiwaan mo ng pahalang bago mo hihiwain sa gitna yung sibuyas hindi sa hiwa ka na lang ng hiwa.

 

magkano yung tinola. kinse. e yung dinuguan. kinse rin. ano ba yan ang mahal. yung gulay na lang. paabot naman ng kutsara. hoy. yung kanin kanina pa yun ah. wala ng tubig yung pitsel. magkano lahat samin. eto yung bayad o. yung sukli ko kanina pa yun ah.

 

pakiasikaso nung nasa kabilang mesa kanina pa yun. alas otso na may klase pa po ako. umabsent ka na muna ngayon. ang dami daming kumakain. may eksam kami. pakialam ko, mapapalamon ka ba ng eksam mo ha.

magkano yung tinola. kinse. e yung dinuguan kinse rin.

 

pwede na po ba akong kumain. mamaya na. nahihilo na ako. mamaya na.

 

isa pang kanin. isa pang kutsara dito o. tinola samin pakiramihan ng sabaw. pakiligpit naman yung dito o kakain kami. piniritong isda lang kinain ko tsaka dalawang kanin magkano lahat. hoy. hoy. magkano lahat. pakiligpit naman yung dito o kakain kami. ate gutom na ata tong pamangkin nyo mukhang di na nakakarinig e.

 

saan ka pupunta. hoy. asikasuhin mo yung mga kumakain. sabing umabsent ka muna ngayon.

gago. saan ka pupunta. saan ka pupunta. naririnig mo ba ako ha. kinakausap kita.

 

sige. sige. lumayas ka animal. walang utang na loob. pagkatapos mong palamunin ito pang gagawin sayo. wag ka nang bumalik. kagaya ka nga ng tatay mo.

mga tamad.

 

 

 

****

 

natatakot akong umiyak.

 

pare alam mo ba nung hayskul ako wala na akong ginawa kundi ang mag slice nang magslice ng lahat ng klase ng gulay. talaga. oo. dumaan na ang iba’t ibang gulay sa palad ko. may karindirya kasi yung tyahin ko sa palengke. limang kilong bawang. tatlong kalabasa. sampung sayote. yung sayote ayoko kong binabalatan yun, nagmamantsa kasi sa balat yun e. repolyo. kerots. talong, ay yung talong naman dapat nakahanda yung tubig kasi nangingitim yan agad, parang santol lang yan e. baguio beans. ampalaya. tsaka yung sibuyas naku yung sibuyas kung anu-anong ginawa ko ng paraan para lang hindi maluha pag hinihiwa yun. sabi ng klasmeyt kong si ada nung elementary naglalagay raw yung nanay nya ng dalawang palito ng posporo sa bibig, pero sinubukan ko naman hindi naman tumalab, yung klasmeyt ko naman nung hayskul sabi ibabad raw muna sa tubig ng matagal naku mas lalo lang ata akong naluha. ang daming luha mo nyan kung gayun. e sabi mo nga limang kilong bawang. oo mga ganun rin sa sibuyas. sabi naman ng kapitbahay kong si reymar vitamins daw sa mata yun. sabi ko ulul.

 

sabi ng titser ko sa botany syn-propanethial-s-oxide daw ang kemikal component nung irritant na nagpapaluha sa mata na nirerelease nung sibuyas. pero alam mo pare. lately ko lang nadiskubre ang pinaka-epektib na paraan para hindi ka maluha sa paghihiwa ng sibuyas. paano raw.

 

 

 

 

 

mag shades habang naghihiwa.

isang daang sulat*

November 5, 2008

para sa pinakamakinang na tala sa hilaga,

magandang araw sayo.

1)      marami akong mga sulat sau simula nun dumating ako dito pero hindi ang mga nakakalitong bagay ang wastong pag-usapan ngaun sa tingin ko, kaya naman inisip kong limitahan ang nilalaman nito. At isa pa, marami akong gustong sabihin at ipaliwanag pero sa dami nila MAHALKITA lang ang paulit-ulit na naisusulat ko nang tama.

    

2)      ewan ko ba, kung bakit hanggang ngayon mahal pa rin kita. hindi ko naman to hiniling—plano ko lang naman dati ay ang makapag-aral sa UP, magkaroon ng marangal na trabaho at maraming pera. kumplikado siguro marahil lahat ng bagay gaya ng mga problema na hindi nauubos—simulan mo lang sila isipin dumadami sila bigla.

 

3)      parehong hindi madali  at mahirap ang magdesisyong iwan ang dating trabaho at magsimula ulit dito. sabi nga ng pamosong linya ng kanta ni Britney Spears—Sometimes I Run, Sometimes I Hide. (kaya wala na talaga akong ibubuga). nasabi na siguro ang lahat ng mga nasabi tungkol dito. pero susubukan ko pa ring ipaliwanag uli. duwag lang marahil ako—sa mga panahong mahal kita pero may mahal kang iba.

 

4)      ikaw at ikaw pa rin marahil ang hinuhugutan ko ng inspirasyon—sana magkita pa tayo. sana hindi na, baka simulan kita ulit mahalin gaya ng dati . una hindi ko kayang umasa sa wala. pangalawa hindi ko kayang malungkot na lang araw-araw. Tama na marahil yung nabigyan mo ko ng sandwich na gawa ng nanay mo at kape sa starbucks. Sobrang grateful nako nun, yung iba nga hanggang tingin lang sayo.

 

5)      ewan ko ulit—isipin ko pa lang na kalimutan ka natatakot na ako. baka marahil makalimutan ko na rin na minsan sa isang rebolusyon at henerasyon ng buhay ko nagmahal ako at nasaktan. kaya yun, given na siguro yun—hindi ka pedeng limutin.

 

6)      naaalala ko dati napipikon sakin si Janet dahil gusto nya ng kasabay pag-uwi sakay ng lrt o taxi. ewan kong napansin mo to o hindi, pero sobrang out of way na pupunta pako ng mrt tapos sasakay ulit ng lrt pauwi. hahahaha-wala lang natutuwa nako nun pag-nakita kitang nakasakay na ng tren.

 

7)      may nagtanong nga sakin minsan kung saan raw may malaking kita dito ba raw samin o jan? saan ba raw ayos ang sweldo? natawa na lang ako. para kasing pera lang talaga ang solusyon sa lahat ng umaatikabong problema sa mundo. samantalang ako, sa isang banda, ay nangarap lang naman na kabisado ang ngiti mo. sakto na marahil, na sa pagitan ng historikal na taong 2006 at 2007 nagkakilala tayo. natutuwa na akong maalala ang mga ekspresyon ng mukha mo sa tuwing wala ka pang benta at mga araw na nakakarami ka. o ang mga araw na gusto kitang titigan pag gusto kong maging masaya.

 

8)       pero hayaan mo na. hindi  siguro talaga nagiging napakasaya ng tao. buti nga ako naranasan ko e. at wala ng makakatalo dun.

 

9)      tapos pede ba akong humirit o humiling na kantahin ko rin yung later, sabi kasi ni Joy bagay daw sa boses ko yun—ewan pero sabi ko naman mas bagay sayo yun kasi para sa espesyal na tao yun e. (hahahaha naalala ko pala kaya mong gayahin yung boses ni jaya.) –pero kung hindi ka papayag ayos lang din naman.

 

 (…limitado lang ang espasyo ng world wide web para ihayag lahat ng sulat ko sayo—pero hayaan mo na, marahil darating din yung panahon na mabasa mo ang bahagi nito…)

 

99 ) kaya lagi kong aalalahanin ang pinakamasayang araw  na nakita kita. –kelan nga ba yun,             ah huwebes. naka-orange ka nun, manghang-mangha ako dun sa dami dami ng koi sa palibot ng artificial pond sa simbahan ng greenbelt. napa-english nga ako nang makita kita sa loob ng simbahan, damn! i saw you praying inside the church! and damn! you’re gorgeous! napangiti nga ako e. di mo pa ata ako kilala nun, pero sabi nga ng sikat na pamahiin ni Maki—kung first time mo raw makapasok sa isang simbahan mag-wish ka raw. Hindi ako mapamahiing tao. pero nung araw na yun. nag wish ako.

 

100) i love you.

 

 

-kentkrayhardenap

 

*isang taon mula nung huli tayong nagkita.

Nangyari ang lahat kaninang umaga.
May bata.
Nasa limang taong gulang.
Malusog.
May itik.
May kulay itim na itik.
May basang itik na kulay itim na marahil napanalunan ng bata sa pabunot na madalas mong nakikita tuwing napapadaan ka sa palengke kasama ang kulay blue, yellow at pulang sisiw. (Lagi kang napapangiti pag nababasa mo ang nakasulat sa karitela ng nagpapabunot: may panalo at talo sa bunot. Marahil babala na rin sa mga batang nagrereklamo at naubos ang baon na nagbakasakali sa swerteng mapanalunan ang itik at ang mga de-kulay na sisiw.)
May tali sa leeg ang itim na basang itik.
May hawak na tali ang matabang bata.
May sumisigaw na itik.
May tumatawang bata.
Nagmamadali ka ng umagang yun dahil madalas lagi ka namang nagmamadali at may hinahabol.
Kulang ka lagi sa oras. Wrong timing ka lagi at magugulatin.
Ilang beses ka na bang nangako sa sarli mo na bawasan na ang pag-inum ng kape pero di ka pa rin tumutupad.
Tumatakbo ka na naman, mabilis -byaheng autofinish.
Nang biglang may sumigaw.
Malakas.
Nagulat ka na naman.
Noon mo lang ulit naramdaman ang nerbyos.
Halatang sinsero ang may ari ng tinig.
WAG MONG AAPAKAN YAN KUKUTUSAN KITA!
Nun mo lang napansin ang bata, ang itik, ang tali.
Bigla ka na lang napatigil, napangiti at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.
Nasa bahay ka na at natatawa ka pa rin.
Napangiti ka ulit, alam mo kasing matutulog ka nang mahimbing ngayon…
**
para sa lahat ng bagay na magkakaugnay, may ugnayan at relasyon.
para sa lahat nang nagpapatuloy.

Intolerable Pain

September 27, 2008

May tumor daw sa utak.
Dati raw pokpok ang nanay at hindi alam ang tatay. Paumanhin raw tuwing umaga at sa mga umagang madalas sumisigaw sa sakit ang anak dahil sa hindi makayanang sakit.
Kinakain raw ng tumor ang utak kaya hindi na nakakapagsalita.
Then the bitch start screaming, all through out her life. Malakas, sakit na hindi nakukuha sa pag inum ng Alaxan o Dolfenal.
Then you get your guitar para sabayan ang bitch sa pag atungal way down sa first floor at sa kung bakit ang lakas ng echo sayo sa third floor at bakit hindi ka makatulog at sa lahat ng bakit. Pakiramdam mo bagay ang kantang Disturbia ni Rihanna sa tagpo at eksena.
Ikaw nag gigitara sa third floor. Ang bitch ngumangawa sa sakit sa ground floor. At si Rihanna kumakanta sa roof top ng Disturbia.
Tumigil ang lahat pansamantala.
May napagod na rin marahil sa kakasigaw.
Pero teka ampotah si Rihanna sa roof top hindi pa rin tumitigil sa pagkanta. Tuloy pa rin sya sa pagkanta ng Disturbia.
Napaka-surreal ng mga sumunod na tagpo. Nasa rooftop ka na at kaharap na ngayon si Rihanna na hindi pa rin tumitigil sa pagkanta ng Disturbia, you start talking with her in English baka hindi pa sya marunong magtagalog.
Ngumiti lang sya pagkatapos mong sabihin na matutulog ka na at kung maari ay wag na muna syang kumanta. Nagalit ka sa akto na mukhang so what ang sagot kaya bigla mo na lang syang binato ng granada.
Then the bitch start screaming, all through out her life. Malakas, sakit na hindi nakukuha sa pag-inum ng Alaxan o Dolfenal.
Bumalik ka na muli sa naunsyaming pagtulog. Napanaginipan mo na naibalik ni Rihanna sa dati ang mga nagkalasuglasog na katawan at babalikan ka raw nya bukas.
Nahimasmasan ka paggising mo. Binilisan mo ang pagtimpla ng kape at mukhang malalate ka na naman sa pagpasok ngayong gabi.
After nine hours you found your way back home. Napatigil ka saglit sa first floor, tahimik naman. On the way sa second floor namataan mo ang isang ale naitanong mo kung meron pang lunas sa sakit ng batang babae sa ibaba.
Wala na. Intolerable pain.
Kinakain raw ng tumor ang utak kaya hindi na nakakapagsalita.
Pagdating sa kwarto binuksan mo ang TV. Music Video. At mukhang pamilyar ang tugtog.
Am I scaring you tonight
Your mind is in disturbia
Ain’t used to what you like
**para sa mga napakahabang araw lately.
para kay Rihanna sa kantang Disturbia, kay Karl at Ryan na madalas natatawa pag tinatawag kong Intollerable Pain yung me sakit na sigaw ng sigaw dun sa baba ng bahay. kay Mae at Melanie na inaantay pa ako matapos sa shift ko pag-umuuwi at sa madaming pagkain. at para sa lahat ng nawawala, naliligaw at naghahanap, marami tayo. :)

Balisa*

April 23, 2008

ito na siguro ang isa sa mga hindi pangkaraniwang umaga.

bakit nga naman hindi, 11 am pa lang naman at mukhang
nakakapaso na ang sikat ng araw.

stop.

may mali.

mukhang may mali, binigyan mo ng time ang sarili mo
mag-isip, mga dalawang minuto para i-figure out that there’s something wrong
today.

wala kang maisip.

stop.

sumakit ang ulo mo, hindi pakiramdam mo lang pala na
sumasakit ang ulo mo.

ayan masakit na talaga ang ulo mo.

gusto mong umiyak, hindi feeling mo lang din palang umiyak.

ayan umiiyak ka na.

nagsimula kang magtanong gusto mo maging subjective type
kaya sisimulan mo ang tanong mo ng bakit, then you tried to be objective—ivory tower trivia like questions mga tanong na
ikaw lang ang may alam ng sagot. natatakot kang mag-share, alam mo na kasi kung
pano at saan nabibili ang dalawang araw na tulog at kung bakit meron pang ibang
planet maliban sa earth. na hindi lang world peace ang hinahanap ng tao.

rewind.

sa goldilocks ka bumili ng apat na pulburon na kakainin mo
sa first breyk mo.

rewind ulit.

na late ka ng apat na minuto at tumatakbo ka pa rin dahil
late ka rin kahapon at nung isang araw at ayaw mo ng lumagpas lahat ng late mo
ng isang oras ngayong buwan.

forward.

umuulan ngayon.

fast forward.

tinitigan mo ang relo ng dalawang beses, eleven na pala ng
umaga. tsinek mo ang oras sa celphone mo, eleven na pala talaga ng umaga. napabuntong hininga ka. napabuntonghininga
ka ulit. dalawang beses. matagal kang napabuntonghininga ng dalawang beses.

at last you figure
out what was wrong. natulog ka pala ng ten ng umaga.

mali nga ang matulog lang ng isang oras.

 

napapikit ka ulit. matagal.

ito na siguro ang isa sa mga hindi pangkaraniwang gabi.

bakit nga naman hindi, 11 pm pa lang naman at mukhang mahamog  na sa labas. tsinek mo ulit ang oras sa celphone mo 11 pm na nga pala talaga.

tumatakbo ka na naman, late ka kasi kahapon ng apat na minuto at nung isang araw at nung isang araw pa dahil ayaw mong umabot sa tatlong oras ang late mo ngayong buwan.

hay, makakarating ka rin.

________________________________________________________________________

*para sa mga araw na iniisip ko kung ok ka lang at sa mga
araw na mahaba.

**para kay aylin at kalay para sa bagong simula at sa isang
bagong kaibigan.